HINDI MUNA IPATUTUPAD | Kamara, pag-aaralan muna ang dismissal order kay Cebu Rep. Gwen Garcia

Manila, Philippines – Hindi agad ipapatupad ng Mababang Kapulungan ang dismissal order ng Kamara na ipinataw ng Office of the Ombudsman kay Deputy Speaker Gwen Garcia.

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, pag-aaralan muna nila ang dismissal order ng Ombudsman laban kay Garcia para makita kung valid ba ito.

Aniya, hindi lamang si speaker Pantaleon Alvarez ang dapat na magdesisyon dito kundi ang buong kapulungan.


Sa oras na matanggap na ng Kamara ang dismissal order ay ididiretso ito sa rules committee para maisama sa agenda o order of business ng plenaryo.

Sinabi pa ni Fariñas na posibleng hindi nila sundin ang dismissal order dahil Gobernador pa si Garcia noong sampahan ng kaso.

Inihalimbawa pa nito ang dismissal order din ng Ombudsman kay Senator Joel Villanueva sa kaso kaugnay sa trabaho nito noon sa TESDA.

Hindi ito ipinatupad ng Senado dahil ibinaba ang order na senador na si Villanueva at ang kaso ay ginawa noong ito pa ay TESDA director general.

Facebook Comments