Manila, Philippines – Hindi na bago para kay Incoming Armed Forces of the Philippines Lt. General Carlito Galvez ang pamalakad sa AFP.
Ito ang sinabi ni Outgoing AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero.
Paliwanag ni Guerrero, kasama si General Galvez sa AFP Senior Leaders na kinabibilangan ng top 3 generals, area commanders at mga major services commanders.
Regular aniya silang nagkikita kita para magpulong may kinalaman sa operational at organizational issue ng AFP.
Kaya hindi na aniya maituturing na outsider si Galvez dahil kabilang ito sa mga nagdedesisyon sa mga programa at pamamalakad sa AFP.
Mahigpit na bilin naman ni Guerrero kay Galvez maging masigasig pa para sa security situation sa bansa.
Partikular aniya sa bahagi ng Mindanao at mga maritime area.
Si Galvez ay uupo na bukas bilang pang limangpung AFP Chief of Staff
Si Galvez ay miyembro ng Philippine Military Academy Sandiwa class of 1985.