HINDI NA HUHULIHIN | Mga tambay, hindi na aarestuhin – NCRPO

Manila, Philippines – Wala nang gagawing pag-aresto sa mga tambay.

Ayon kay NCRPO Director C/ Supt. Guillermo Eleazar – inatasan na niya ang lahat ng mga district directors na huwag nang arestuhin ang mga tambay na wala namang nilalabag na city o municipal ordinance.

Base na rin aniya ito sa inilabas na guidelines ng PNP.


Sa kabila nito, tiniyak ni Eleazar na mahigpit pa ring ipatutupad ng pulisya ang mga ordinansa gaya ng pagbabawal sa pag-inom sa mga pampublikong lugar, paninigarilyo at paglalakad nang naka-hubad.

Hindi rin aarestuhin ang mga menor-de-edad na lumalabag sa curfew kapag kasama nito ang kaniyang magulang, o kapag may emergency.

Una nang itinanggi ni pangulong duterte na ipinag-utos niya ang pag-aresto sa mga tambay, sa halip ay sitahin lang daw ang mga ito.

Facebook Comments