HINDI NA KAILANGAN | BBL, posibleng di na sertipikahan as urgent – Palasyo

Manila, Philippines – Hindi na kailangang sertipikahan as urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bangsamoro Basic Law.

Ito ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque ay dahil magkaiba ang beryon ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Gayunpaman ayon kay Roque, sa ginawang pagpupulong kahapon ng mga mambabatas at ng Bangsamoro Transition Council sa Malacañang, nagkasundo aniya ang mga ito na gagawin ang lahat ng kanilang makakaya upang ma-reconcile ang dalawang bersyon.


Bagamat ang nais ng palasyo ay maipasa ang BBL bago ang recess ng Kongreso sa June 2, ang importante ayon kay Roque, ay batid ng mga mambabatas ang kahalagahan ng pagsasabatas ng BBL, at nagkasundo ang mga ito na gagawin ang lahat upang maipasa ang BBL.

Facebook Comments