HINDI NA KAILANGAN NG BATAS | Matalinong botante, solusyon sa political dynasty

Manila, Philippines – Para kay Senator Richard Gordon, hindi na kailangan pang magpasa ng batas na nagbabawal sa political dynasty o yaong magkakapamilya na politiko na gahaman sa pwesto sa gobyerno.

Naniniwala si Senador Gordon na ang kailangan ay maging matalino ang electorate o ang mga botante para hindi nila iboto ang magkakamag anak na politiko kung hindi naman nararapat ang mga ito.

Paliwanag ni Gordon, sa halip na isabatas ay hayaan na lang na ang mamamayan ang magpasya.


Inihalimbawa pa ni Gordon si dating us President Franklin Delano Roosevelt na natalo ang anak sa eleksyon na kung matalino ang mga botante ay walang political dynasty.

Unfair aniya kung ipagbabawal sa mga anak ng politiko ang kumandidato dahil sila ay namulat na at lumaki sa larangan ng pulitika.

Katulad aniya ng mga magulang na abogado o iba pang propesyon na sinusundan ng kanilang mga anak ang yapak nila.

Facebook Comments