HINDI NA KAILANGAN? | Pagbuwag sa NFA council, suportado ni House Speaker Pantaleon Alvarez

Manila, Philippines – Suportado ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin ang National Food Authority (NFA) council.

Ayon kay Alvarez, hindi na kailangan ang nasabing konseho dahil mayroon namang NFA administrator.

Kung nagagampanan aniya ng NFA administrator ang kanyang trabahao, hindi magkakaroon ng problema sa supply ng bigas.


Hindi rin mabatid ni Alvarez kung bakit kailangan pang mag-angkat ng Pilipinas ng bigas mula sa ibang bansa kung malawak ang agricultural lands sa bansa.

Bukas din si Alvarez na baguhin ang konseho dahil kailangan ng congressional probe para matukoy ang mga aamyendahan sa presidential decree 4 na siyang nagtatag ng NFA council.

Nauna nang nilinaw ng Malacañang na hindi bubuwagin ang NFA council kundi isasailalim lamang ito sa reconstitution.

Facebook Comments