Manila, Philippines – Naniniwala si Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na hindi na kailangan na personal na makipagusap o makipagdayalogo si Pangulong Rodrigo Duterte sa iba’t ibang religious groups sa bansa.
Ito ang sinabi ni Roque matapos siyang atasan ni Pangulong Duterte na magsagawa ng dayalogo sa mga religious groups kung saan makakatuwang nito sina Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella at Commissioner Pastor Boy Saycon ng EDSA People Power Commission.
Ayon kay Roque, sapat na silang tatlo para maipaabot sa religious sector ang mensahe ni Pangulong Duterte at mapahupa ang anomang namumuong hidwaan sa Pagitan ng Gobyerno at ng simabahang katoliko.
Mayroon na aniyang nabuong protocol si Pangulong Duterte kung paano ang magiging takbo o kung paano kakausapin ang Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP.
Sinabi din ni Roque na hahayaan ng Pamahalaan ang Simbahan na maglatag ng mga issue na paguusapan sa dayalogo kung saan umaasa si Roque na magiging matagumpay lalot maganda naman ang relasyon ni Pangulong Duterte at CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles.
Tiniyak din naman ni Roque na maipararating kay Pangulong Duterte ang saloobin ng mga religious groups matapos ang kanilang mga pag-uusap.