HINDI NA KAILANGAN? | Sen. Lacson, kumbinsidong walang saysay kung magdedeklara ng SOMO sa CPP-NPA

Manila, Philippines – Para kay Committee on public Order Chairman Senator Panfilo Ping Lacson, walang saysay na magdeklara pa ang gobyerno ng SOMO o Suspension of Military Operations sa Communist Party of the Philippines – New People’s army o CPP NPA.

Reaksyon ito ni Lacson sa mga reports na walang mangyayaring tigil putukan sa komunistang grupong kahit ngayong kapaskuhan at sa halip ay tutulong pa ang philippine national police sa operasyon ng militar.

Ayon kay Lacson, hindi na kailangan ang deklarasyon ng SOMO o tigil putukan sa komunistang grupo dahil idineklara na itong terorista ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Ang tinutukoy ni Lacson ay ang proclamation number 374 na inilabas ni Pangulong Duterte na nagdedeklara sa CPP at sa armed wing nitong NPA bilang terrorist organizations.

Facebook Comments