HINDI NA KAILANGAN | Senator Antonio Trillanes, maaresto kahit walang warrant of arrest – ayon sa DND

Manila, Philippines – Hindi kailangan ng warrant of arrest para maaresto si Senator Antonio Trillanes IV.

Ito ang inihayag ni Department of National Defense Spokesperson Director Arsenio Andolong matapos ang pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa amnesty ni Senator Trillanes na ipinagkaloob noon ni dating Pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa kaso nitong rebelyon.

Paliwanag ni Andolong, ngayong binawi na ng pangulo ang amnesty ay nasa hurisdikyon na ngayon ng militar si Senator Trillanes.


Ibigsabihin, kahit aniya walang warrant of arrest mula sa civilian court ay maaring arestuhin si Trillanes gamit ang Military Justice System.

Sinabi ni Andolong na ang Articles of war violation ay hindi nadidinig ng civilian court sa halip AFP Court Martial lamang ang tamang venue para litisin ang kaso o isagawa ng Court martial proccedings.

Kaya naman pipilitin aniya nilang makuha ang custody ni Trillanes at ibalik ito sa military control.

Sa ngayon aniya nakahanda na ang detention facility ng Camp Aguinaldo para pagkulungan ni Senator Trillanes.

Facebook Comments