Manila, Philippines – Planong i-relocate ng National Housing Authority
(NHA) ang nasa 5,000 pamilya sa Vitas temporary shelters sa Tondo, Maynila.
Bukod dito, palilipatin din ang nasa 1,500 pamilya na nakatira sa Fort
Bonifacio Tenement sa Taguig at Punta Tenement sa Santa Ana, Maynila.
Ayon kay NHA Spokesperson Elsie Trinidad, ininspekyon na ng mga tauhan ng
Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga lugar at
inirekomenda ang pre-emptive evacuation ng mga nakatira sa mas ligtas na
lugar.
Paliwanag ni Trinidad, ang dalawang tenement ay limang dekada nang nakatayo
at nalampasan na nito ang ‘economic life’
Aniya, hindi na ligtas para tirhan ang mga nasabing tenement.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>