HINDI NA MAKAPAGHINTAY? | Secretary Go, gustong gusto nang humarap sa senate investigation

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na handa na at nagmamadali na si Special Assistant to the President Secretary Bong Go na humarap sa senate investigation kaugnay sa Frigate deal ng Philippine Navy.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar hindi na makapaghintay si Secretary Go na humarap sa senado para ilabas ang buong katotohnan sa nasabing issue.

Paliwanag ni Andanar, gustong gusto nang magsalita ni Go sa senado para maibigay ang kanyang panig matapos makaladkad ang kanyang pangalan sa issue kung saan sinasabi na siya ay nakialam sa frigate deal.


Sa pagharap aniya ni Go sa Senado ay patutunayan niyang mali ang alegasyon laban sa kanya at patutunayan aniya nito na walang nabago sa kontrata ng Philippine Navy sa pagbili ng frigate.

Nanawagan din naman si Andanar sa publiko na pakinggan at panuorin ang gagawing imbestigasyon ng senado sa issue upang malaman ng lahat ang katotohanan.

Facebook Comments