HINDI NA NAGISING | Tulog na anak, pinagsasaksak ni tatay sa Pangasinan

Manila, Philippines – Dead on arrival ang isang 13 taong gulang na binatilyo matapos siyang saksakin ng kaniyang ama sa Villasis, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Jean Dace Evangelista, grade 6 student na residente ng Puelay Villasis.

Sa ulat, kakauwi lang galing sa lamay ng kapit bahay ang suspek na si Pablito Evangelista nang bigla nitong pagsasaksakin sa katawan ang natutulog na anak.


Nahaharap sa kasong pagpatay ang naarestong suspek.

Sa ngayon, inaalam pa ng otoridad ang motibo sa pananaksak.

Facebook Comments