Suportado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang hakbang ng lokal na pamahalaan ng Maynila na hindi na obligahin ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, desisyon na ng mga alkalde kung magpapatupad ng alituntunin bago ang pasya ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Habang hindi rin sapat na pagtalunan ang isyu dahil marami na ang dumating na bakuna sa Pilipinas at bumababa na rin ang mga kaso.
Ipinayo naman ni Año sa mga alkalde na ipatupad kung hanggang kailan nais ng mga ito ang hindi na pagsusuot ng face shield, pero aniya kailangan itong nasa katwiran.
Matatandaang una nang tinawag ng malakanyang na walang saysay at walang bisa ang ipinatupad na panuntunan ni Manila Mayor Isko Moreno na hindi na pagsusuot ng face shield dahil wala pang pinal na desisyon dito ang IATF.