Hindi na paglalabas ng daily COVID-19 case bulletin simula sa Enero 2022, suportado ng Malacañang

Sinuportahan ng palasyo ng Malacañang ang desisyon ng Department of Health (DOH) na itigil na ang paglalabas ng daily COVID-19 case bulletin.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at cabinet secretary Karlo Nograles, ang pagbabakuna na ang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan.

Aniya, maaari pa rin namang makita ang daily cases sa COVID-19 tracker sa website ng DOH.


Nauna nang nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Veregire na walang mawawalang impormasyon tungkol sa covid-19 oras na ihinto nila ang paglabas ng arawang COVID-19 case bulletin sa Enero 1, 2022.

Imbis aniya na COVID-19 bulletin, araw-araw na lang na analysis ang ilalabas ng DOH para mas magabayan ang publiko kung ano ang mga dapat gawin at kung ano na ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments