Dumarami na ang nagbibigay ng suhestyon sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), kaugnay sa pag-alis ng polisiya sa paggamit ng face shield sa bansa.
Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasabay na rin nang naitatalang pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID cases sa bansa.
Aniya, nagpag-uusapan na rin kung ipagpapatuloy pa ang paggamit ng face shields, lalo’t dumarami na rin ang sumusuporta sa hindi paggamit nito.
Gayunpaman, nilinaw ng kalihim na wala pang pinal na desisyon ang IATF para dito.
Sinabi rin ni Roque na dapat pa ring magsuot ng face shield sa 3Cs, o iyong mga lugar na close, crowded, at hindi maiiwasan ang close contact.
Facebook Comments