HINDI NA PAPALPAK? | Senator Poe, umaasang tuluy-tuloy na ang pagtupad ng DOTr sa pangakong pagtaas sa 20 ng train ng MRT

Manila, Philippines – Ikinatuwa ni Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe na naitaas ng Department of Transportation o DOTr sa 13 ang bumabyaheng train ngayon ng Metro Rail Transit o MRT.

Umaasa si Senator Poe na ito na ang simula ng pagtupad ng DOTr sa pangakong pagbuhay sa maayos na serbisyo ng MRT at pagbibigay tuldok sa serye ng mga aberya sa operasyon nito.

Ayon kay Poe, mahalagang matupad ng DOTr ang pangakong aabot sa 20 ang babyaheng train ng MRT para matugunan ang paghihirap ng mga pasahero.


Iginitt din ni Poe ang importansya na magkaroon ng komprehensibong programa para sa rehabilitasyon at pagmintina ng MRT para matiyak ang epektibo at ligtas na operasyon nito.

Bukod dito ay nais din ni Senator Poe na marinig mula sa DOTr ang update ukol naman sa Dalian trains.

Facebook Comments