Manila, Philippines – Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na siya papayag pa na magkaroon muli ng peace talks sa pagitan ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).
Sa talumpati nito pagkabalik galing Association of Southeast Asian Nations-India Commemorative Summit, sinabi ng pangulo na wala na daw siyang balak na makipag-usap pa sa lider ng komnistang grupo na itinuturing na niyang terorista.
Bukod dito, dagdag pa ng pangulo na ginagamit lang din ng mga rebelde ang mga kababayan natin mga lumad na siyang lumalabas na naghihirap sa pakikipaglaban ng walang sapat na dahilan.
Sa huli, muling binalaan ng pangulo ang mga rebelde na hind siya magda-dalawang isip na sugpuin ang mga ito.
Facebook Comments