Manila, Philippines – Binawasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa 45,700 ang bilang ng mga Transport Network Vehicle Service (TNVS) sa buong bansa.
Sa Memorandum Circular (MC) 2018-03 na inilabas kahapon, ipinunto ng LTFRB na matapos ang masusing deliberasyon ng board at konsultasyon sa Department of Transportation (DOTr), nagtakda ng isang common supply base para sa mga TNVS.
Ayon kay LTFRB Spokesperson, Atty. Aileen Lizada, sa Metro Manila, apatnapu’t limang libong units na lang ang bilang ng mga TNVS; limandaang unit sa Metro Cebu at dalawandaang unit sa Pampanga.
Una nang nagpalabas noong Hulyo 21, 2016 ang LTFRB ng M-C 2016-008 na nag-uutos sa technical division nito na huwag nang tumanggap ng mga TNVS application.
Giit ni Lizada, sisilipin nila ang bilang mga TNVS kada tatlong buwan.