HINDI NA TULOY | Pagbisita ng Philadelphia Eagles sa White House, kinansela ni Trump

Washington – Hindi na matutuloy ang pagdalaw ng Philadelphia Eagles sa White House bukas!

Mismong si President Donald Trump ang nagkansela sa tradisyon kung saan binibisita ng Super Bowl Champions ang Pangulo ng Estados Unidos para sa isang parangal.

Hindi kasi nagustuhan ni Trump ang pagkontra ng National Football League Champions hinggil nais nitong pagtayo ng mga player habang kinakanta ang National Anthem ng Amerika.


Binibigyan kasi ng Eagles ng kalayaan ang mga player na manatili muna sa locker room habang kinakanta ang star spangled banner.

Matatandaang tinalo sa isang napakalaking upset ng underdog na Philadelphia ang paboritong new England Patriots sa superbowl 52.

Facebook Comments