Sports – Itinanggi ngayon ng kampo ni IBF Junior Bantamweight Champion Jerwin Ancajas na nagkaka-problema ito sa kaniyang timbang ilang araw bago ang laban kay Israel Gonzales ng Mexico.
Ayon sa kaniyang Trainer/Manager na si Joven Jimenez, hindi sila nababahala sa timbang ni Jerwin dahil siguradong pasok ito sa Weigh-In na isasagawa mamaya.
Bukod dito, sabik na din ang promoter na si Bob Arum sa nalalapit na laban ni Ancajas na nasa ilalim ng Top Rank Promotions.
Ayon kay Arum, gusto na niyang makita kung ang isa sa mga alaga niya ang susunod na bersyon ni Manny Pacquiao.
Magaganap ang laban sa American Bank Center sa Corpus Christi, Texas na mapapanood naman sa linggo (February 4) sa Pilipinas.
Facebook Comments