Hindi nababayarang sweldo ng nasa 10,000 OFW sa Saudi Arabia, isa sa top agenda ng pangulo sa bilateral meeting sa Saudi Arabia officials

Tiyak na mapag-uusapan sa bilateral meeting ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay Saudi Arabia King Salman bin Abdulaziz Al Saud ay ang hindi pa nabayarang sweldo ng nasa sampung libong Overseas Filipino Workers sa Saudi Arabia.

Sa predeparture briefing sa Malakanyang, sinabi ni Office of ASEAN Affairs Office Asec. Daniel Espiritu na top agenda ang usaping ito sa biyahe ng pangulo sa Saudi Arabia.

Pero hindi na idinetalye pa ng opisyal ang status ng pag-uusap kaugnay rito.


Taong 2015 at 2016 nang magdeklara ng bankruptcy ang construction firms ng nasa sampung libong OFW sa Saudi Arabia.

Taong 2022, nagpahayag ng commitment ang Saudi Arabia government na babayaran nila ang halagang 2 bilyong Riyals na hindi nabayarang sweldo ng mga OFW.

Facebook Comments