HINDI NABAHALA | Pagbaba ng satisfaction ratings ng gabinete ng Pangulo, tanggap ng Malacañang

Manila, Philippines – Hindi nababahala ang gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbaba ng satisfaction ratings ng mga ito base sa resulta ng survey ng pulse Social Weather Station o SWS.

Batay kasi sa resulta ng survey ay lumalabas na mula sa 28 points ay bumaba sa 25 points ang satisfaction ratings ng gabinete ng Pangulo.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi pa niya nakikita ang detalye ng resulta ng survey pero kinikilala naman ng gabinete ang resulta ng survey at magdodoble kayod aniya ang mga ito para mas maibigay sa mamamayan ang tamang serbisyo sa mamamayan.


Pero sinabi din naman ni Roque na sa survey ng SWS ay lumalabas din na halos lahat naman ng nasa gobyerno ay nagkaroon ng pagbaba sa kanilang ratings.

Dahil aniya dito ay isa ito sa mga posibleng mapagusapan sa mga susunod pang pulong ng mga gabinete kung saan isa sa mga posibleng gawing hakbang ay ipaalam sa mamamayan ang mga napagtagumpayan o mga nagawa ng pamahalaan na pakikinabangan at pinakikinabangan na ng taumbayan.

Facebook Comments