Hindi nagamit na budget na hawak ng PS-DBM, ipapabalik ng Senado sa national treasury

Naglagay ang senado ng probisyon sa 2022 national budget na nag-uutos sa procurement service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) na ibalik sa national treasury ang anumang pondo hindi nito magagamit pagsapit ng December 31, 2023.

Ayon kay Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara layunin nitong maiwasan na may pondo ng iba’t ibang ahensya na matengga ng matagal sa PS-DBM.

Dahil dito ay ma-o-obliga ang PS-DBM na gamitin na ang mga pondong hawak nito sa pinaglaanang mga proyekto.


Ayon kay Angara, sa ganitong patakaran ay hindi na mauulit ang halos 8 taon na pagtulog ng mga pondo sa PS-DBM dahil hindi pa nabi-bid ang proyektong pinaglalaanan nito.

Naniniwala naman si Angara na dapat ay ganito rin ang maging pagtrato sa mga hindi nagagamit na pondo na matagal ng natutulog na pondo sa Philippine International Trading Corporation (PITC).

Facebook Comments