HINDI NAGSISI | Mocha Uson – walang pinagsisisihan sa pagiging opisyal ng PCOO

Manila, Philippines – Wala umanong pinagsisisihan si dating Communications Asec. Mocha Uson sa panahong nanungkulan siya sa PCOO.

Giit ni Uson – malinis ang kanyang konsensya at ginawa naman niya ang lahat ng kanyang makakaya para makapaglingkod.

Marahil aniya, hindi lang nagustuhan ng iba ang kanyang istilo ng pagtatanggol kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng social media.


Hinamon naman ni Uson ang mga nagsasabing siya ang nasa likod ng pagpapakalat ng fake news sa ilalim ng administrasyon.

Sa usapin naman ng pagtakbo sa 2019 mid-term elections, sinabi ni Uson na ku-konsultahin muna niya ang netizens.

Wala rin daw muna siyang balak na tumanggap ng ibang posisyon sa gobyerno dahil sa ngayon, masaya siya na balik na siya sa pagiging isang private citizen.

Gayunman, patuloy pa rin daw niyang ipagtatanggol ang Pangulo.

Facebook Comments