HINDI NAGSO-SOLICIT | Ilang indibidwal, ginagamit ang Philippine Board of Investments sa solicitation at paghingi ng Christmas gift

Manila, Philippines – Nilinaw ng Philippine Board of Investments (BOI) ang Industry Development & Investments Promotion Arm ng Department of Trade & Industry (DTI) na hindi ito sa anumang paraan nagso-solicit ng Christmas gifts o mga regalo mula sa mga stakeholder.

Ang paglilinaw ay ginawa makaraang makarating sa ahensya ang dalawang report mula sa concerned stakeholders na ilang individual o grupo ang nagso-solicit ng Christmas gifts sa ngalan ng BOI para sa Christmas party.

Hinihikayat ng BOI ang mga stakeholders at ang publiko na maging mapagbantay at i-report kung sila ay maka-encounter ng katulad na sitwasyon o request.


Ang mga Stakeholder at publiko ay maaaring tumawag sa BOI sa telephono number ‎897-6682 local 244 o magpadala ng mensahe kay Jerry Pajarillo ng Financial Administrative Service – General Services Division.

Facebook Comments