Manila, Philippines – Dahil sa pinaigting na capability enhancement program ng gobyerno ay nalusaw o hindi nagtagumpay ang red october ouster plot kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang sinabi ni Armed Forces of Philippine (AFP) Chief of Staff General General Carlito Galvez jr.
Aniya sa pamamagitan ng capability enhancement program nagkaroon ng awareness ang publiko lalo na ang mga magulang kaya napigilan ang pagre-recruit ng mga makakaliwang grupo.
Sinabi pa ni Galvez September 21 ay nagplano ang mga makakaliwang grupo na gawin ang planong destabilisasyon o tinawag na Friday protest.
Pero dahil hindi maganda ang sagot dito ng mga estudyante guro at mga magulang ay hindi nagtagumpay ang kanilang plano.
Samantala, sinabi naman ni PNP Chief Police Dir. Gen. Oscar Albayalde na sa kabila hindi nagtagumpay ang Red October ouster plot ay tiniyak nitong in place o nanatili ang kanilang alerto at maigting ang isinasagawang intelligence operation para sa mapigilan ang mga susunod hakbang ng mga makakaliwang grupo.