HINDI NAGULAT | Pagrerecruit ng NPA sa mga paaralan, bahagi na ng katotohanan at hindi na bago – ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Hindi na ikinagulat ng Palasyo ng Malacañang ang inilabas na impormasyon ng Armed Forces of the Philippines na aktibo ang mga rebeldeng grupo sa pagre-recruit sa 18 kolehiyo sa Metro Manila.

Batay sa impormasyong inilabas ni Brigadier General Antonio Parlade Jr. na kabilang sa mga ekswelahang ito ay ang University of the Philippines Diliman, UP Manila, Polytechnic University of the Philippines, Ateneo de Manila University at De La Salle University.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi na ito bago dahil ito ay bahagi na ng katotohanan at siguradong hindi sinusuportahan o ineendorso ang mga ganitong gawain.


Sinabi ni Roque na hindi naman nakababahala ang usaping ito dahil ito naman ay isang katotohanan pero wala naman sa mga pamunuan ng mga paaralan ang sumusuporta dito.

Binigyang diin ni Roque na matagal nang gusto ng mga NPA na buwagin ang pamahalaan pero wala namang nangyayari dito.

Facebook Comments