HINDI NAGUSTUHAN | PNP Chief Oscar Albayalde, pumalag sa pahayag ng UNHRC kaugnay sa human rights violation sa bansa

Manila, Philippines – Hindi nagustuhan ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde ang naging pahayag 38 bansa na miyembro ng United Nations Human Rights Council human rights violations sa bansa kaugnay sa umano ay human right violations sa bansa

Ayon kay Gen. Albayalde, walang natatangap na reklamong paglabag sa karapatang pantao ang pnp kaugnay sa war on drugs maging sa pagpapatupad ng mga city ordinances.

Kaya hamon muli ni Albayalde sa bumubuo ng UN human rights council na magtungo sa bansa upang makita ang tunay na kondisyon sa bansa at hindi kinukuha lamang ang impormasyon mula sa bali balita.


Sinabi pa ni Albayalde na maging partikular sana ang mga ito sa kanilang pahayag patungkol sa human rights violations.

Facebook Comments