Samar – Tuluyan nang inalisan ng karapatan na makakuha ng kontrata sa National Housing Authority (NHA) ang JC builders Inc at labing siyam na iba pang developer dahil hindi nakapagdeliver sa timetable sa konstruksyon ng mga housing projects para sa nga biktima ng bagyong Yolanda sa Eastern Samar.
Nauna nang lumabas sa pagdinig ng kongreso na nakapagtala ang JC Tayag builders ng 82% negative slippage sa construction ng mga pabahay.
Kabilang din sa tinanggalan ng kontrata ay ang: F.J Tiu and associates construction and development corporation, Richmark Construction,Lsd construction and Supplies,St Gerard Construction Corporation, Rovig/Three W Builders Inc- Joint Venture, Harley Construction/Three Builders – Jv At Eaglerock Construction And Development Corporation.
Sa press forum sa NHA, sinabi ni nha Chief Of Staff John Christopher Mahamud na batay sa pagsusuri ng contractors performance evaluation system ng NHA, ang mahigit 15 percent na delay sa construction ng mga pabahay ay bunga sa kabiguan ng mga developer na mag deploy ng sapat na tao para tapusin ang proyektong pabahay sa itinakdang panahon.
Ang JC Builders Inc ay nakakuha noon ng siyam na housing projects para sa Yolanda rehabilitation projects habang lima naman ang napunta sa Eaglerock Construction And Development Corporation.
Maliban sa dalawampu,may tatlumput tatlong iba pa ang nakatakda ring isyuhan ng notice of termination dahil sa mga paglabag sa terms and conditions ng kanilang mga kontrata.