HINDI NAIINTINDIHAN | Federalism, hindi nauuwaan ng mga Pilipino dahil walang maliwanag at kongkretong plano ukol dito

Manila, Philippines – Hindi na ikinagulat ni Senator Francis Kiko Pangilinan ang resulta ng Social Weather Station o SWS survey na tatlo sa bawat apat na Pilipino ang hindi nakakaalam sa panukalang pagpalit ng sistema ng gobyerno sa Federalismo.

Punto ni Pangilinan, tugma ito sa resulta ng mga naunang survey kaugnay sa balak na charter change para palitan ang porma ng gobyerno.

Diin ni Pangilinan, paano mauunawaan ng mamamayan nang malaliman ang Federalismo kung wala namang maliwanag at konkretong mungkahi tungkol dito.


Hinggil dito ay tiniyak naman ni pangilinan na ipagpapatuloy ng pinamumunuan niyang Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes ang mga pagdinig ukol sa isinusulong na Federalism ng administrasyon.

Ayon kay Pangilinan, itututuon ang mga susunod nilang hearings sa aktual na ChaCha proposals o ang binabalangkas na federal constitution ng consultative committee na pinamumunuan ni dating Chief Justice Reynato Puno.

Facebook Comments