HINDI NAKAPAGBAYAD? | Apat na kumpanya, kinasuhan ng tax evasion sa DOJ

Manila, Philippines – Sinampahan ng BIR ng kasong tax evasion sa Dept. of Justice ang apat na pribadong kumpanya dahil sa kabiguang magbayad ng kaukulang buwis sa pamahalaan.

Kabilang dito ang Amberbase Solutions Leasing, Corp. at presidente nitong si Jaime Aquino na may tax liability na P15. 38- Million para sa taong 2011.

P33.57-Million naman ang pananagutan sa buwis ng Ambrose Industries Inc.


Hinahabol din ng BIR ang La Chilo Cuisine Inc., dahil sa hindi pagbayad ng buwis na aabot sa P34.76-Million para sa taong 2010.

Ang Power Generation of the Philippines o POWERGEN naman ang may pinakamalaking tax liability na aabot ng P98-Million para sa taong 2007 at hiwalay pang P78-Million para sa taxable year 2008.

Facebook Comments