HINDI NAKAREHISTRO | FDA, nagbabala laban sa mga hindi rehistradong cooking oil

Manila Philippines – Binabalaan ng Food & Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili at paggamit ng hindi rehistradong food oil products.
Kabilang na dito ang mga sumusunod:

1. Arks Mantica Premium Coconut Cooking Oil
2. Smart Coconut Cooking Oil

Napatunayan sa pamamagitan ng post marketing surveillance ng FDA, ang nasabing mga food suppplements ay hindi nakarehistro at hindi rin nabigyan ng otorisasyon tulad ng certificate of product registration.
Ayon pa sa ahensya, taliwas sa claims ng mga nabanggit na cooking oil hindi ito nagtataglay ng Vitamin A na isang paglabag sa Republic Act No. 8976 o Food Fortification Law.
Samantala, alinsunod sa Republic Act 9711 ang pagsasagawa, pag-angkat, pagbenta, pamamahagi, paglipat, promosyon at pagpapalatastas ng produktong pagkalusugan ng walang otorisasyon mula sa FDA ay mahigpit na ipinagbabawal.
Nabatid na ang hindi rehistradong mga produktong ito ay hindi dumaan sa proseso sa pagsusuri ng fda kung kaya’t hindi masiguro ng ahensya ang kalidad at kaligtasan ng nasabing mga produkto.


Facebook Comments