HINDI NANIWALA | 7000 Naarestong Tambay, imposible ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Hindi naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na umabot na sa 7000 tambay ang naaresto ng Philippine National Police sa buong Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi sapat ang kulungan na mayroon ang Pamahalaan para pagkasyahin ang 7000 taong naaresto lalo pat ngayon ay nagsisiksikan na ang mga preso sa mga detention facility sa kamaynilaan kaya imposibleng mapagkasya ang 7000 naaresto.

Pero naniniwala din naman si Roque na mahigit 7000 ang nasita ng PNP pero hindi inaresto at ikinulong.


Sinabi din naman nito na hindi naman lahat ng nadampot ng Pulis ay inaaresto dahil ang pag-aresto sa isang indibidwal at pagkulong dito nang walang kaukulang kasong isinasampa ay maikokonsiderang illegal detention kaya dapat ding pakawalan ang mga ito.

Binigyang diin ni Roque na ang gusto lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mabawasan ang krimen sa bansa.

Facebook Comments