HINDI NAPAGHANDAAN | DOTr, hindi inasahan na maraming bulok na pampublikong sasakyan ang mahuhuli sa Oplan Tanggal Bulok, Tanggal Usok

Manila, Philippines – Aminado ang Department of Transportation (DOTr) na hindi nila inasahan na madaming bulok pero pumapasadang pampasaherong sasakyan na target hulihin ng kampaniyang “Oplan Tanggal Bulok, Tanggal Usok.

Ayon kay Transportation Undersecretary Tim Orbos, hindi din nila napaghandaan ang biglaang kakulangan sa jeep simula nang ilunsad ang programa.

Sinabi naman ni Orbos na posibleng sa linggong ito ay maayos na ang special permit sa mga bus na itatalaga sa mga lugar na nagkakaroon ng kakulangan sa jeep.


Una nang nilinaw ng Land Transportation Office o LTO na hindi lamang nakatuon sa mga jeepney ang pagpapatupad ng kampanyang ‘Tanggal Bulok, Tanggal Usok’ bilang bahagi ng Public Utility Vehicle modernization program ng gobyerno.

Facebook Comments