HINDI NAPIKON | Pia Wurtzbach, napagkamalang bading sa kanyang IG photo

Manila, Philippines – Hindi napikon ang beauty queen na si Pia Wurtzbach kasunod ng viral photo niya sa instagram kung saan siya napagkamalang ‘bading’ ng mga netizen.

Kamakailan nga nang mag-viral sa social media ang blonde-haired photo ni Pia mula sa May 2018 issue ng isang fashion magazine.

Ilan sa mga loyal supporters niya ang nag-comment ng “queen”, “on fleek” at “stunning”


Pero may ilang nagsabi na sa unang tingin ay napagkamalan nilang si Paolo Ballesteros at Vice Ganda si Pia at tinawag pa nilang “drag queen”.

Welcome naman daw kay Pia ang mga komento ng netizens at sinabing, “we all have the same heart…”

Bago pa man manalong miss universe, vocal supporter na talaga ng LGBT rights si Pia.

Facebook Comments