HINDI NASISIYAHAN? | Pahayag ni Pangulong Duterte na planong hindi na pagtanggap ng mga sumusukong NPA, frustration lang – ayon sa DND

Manila, Philippines – Hindi nasisiyahan ang Pangulo sa resulta ng mga prebelihiyong ibinibigay sa mga miyembro ng Communist Party of the Philippines.

Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Jolo Sulu na wala na siyang planong tumanggap ng mga sumusukong NPA dahil sa patuloy na pagatakeng ginagawa ng mga ito.

Ayon kay Secretary Lorenzana maaring hindi lang nakukuntento ang Pangulo sa resulta ng mga programang ipinaglakakaloob nila sa mga sumusukong NPA.


Posible aniyang naiinis lang ang pangulo sa mga NPA kaya nasabi nyang huwag nang tumanggap ng mga sumusukong NPA.

Wala rin aniyang official announcement ang Pangulo kaugnay rito.

Sa ngayon aniya nanatili ang mga programa para sa mga sumusukong NPA, at may inilaang pondo aniya ang gobyerno para rito.

Facebook Comments