HINDI NATIIS | Dating kalihim ng DOH, nagpaliwanag kung bakit siya nagsalita sa usapin ng Dengvaxia

Manila, Philippines – Nilinaw ni dating Department of Health (DOH) Secretary Esperanza Cabral na dapat sana ay nanahimik na lamang siya sa usapin ng Dengvaxia pero hindi umano siya nakatiis kaya’t binasag na nito ang katahimikan upang hindi masisira ang magagandang programa ng DOH.

Ayon kay Cabral, kahit hindi na siya kalihim ng DOH ay tumutulong pa rin umano siya sa gobyerno katuwang ang mga dating opisyal ng kagawaran, katunayan umano ay 3 beses sa isang taon sila nag pupulong para planuhin lang kung ano ang gagawin sa susunod na taon dahil importante umano ang kalusugan ng mga Filipino.

Paliwanag ng dating kalihim ang bakuna umano ay hindi talaga isang daang porsyento na epektibo at walang bakuna aniya na walang side effect sa tao.


Dapat umano maayos ang temperatura na pinaglalagyan ng vaccine at hindi bago na umano ang Dengvaxia dahil naging epektibo naman ito sa ibang bansa kaya lang naging unique dahil nahahaluan umano na ng pulitika.

Mungkahi ni Cabral sa DOH dapat puspusan ang pagpapaliwanag sa publiko na walang epekto sa katawan ng tao ang iba pang mga programa ng DOH gaya nalamang ng pagbabakuna ng mga Anti-TB, Anti Pollo, at iba pa dahil panlaban ito sakaling dapuan ng naturang mga sakit.

Facebook Comments