HINDI NATINAG | 2 tumakbong kagawad sa QC na kapwa nasa narco-list ng PDEA at PNP, nanalo sa katatapos na Barangay at SK elections

Manila, Philippines – Nakakuha pa rin ng buong pagsuporta ng kanilang mga residente sa magkahiwalay na barangay sa Quezon City ang dalawang kagawad na isinasangkot sa operasyon ng ilegal na droga.

Walang negatibong epekto ang inilabas na listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency, sa halip ay nag-number 1 pang kagawad ng Barangay Bagong Lipunan ng Crame na si Kagawad Noemi Agcaoili.

Si Agcaoili ang kaisa-isang opisyal ng barangay sa Lungsod ng Quezon na kabilang sa inilabas na narco-list ng PDEA.


Panalo rin at sinuportahan ng mga residente ng Brgy. Masambong QC ang number 9 high value target on illegal drugs ng QCPD Station 2 na si Eli Nitafan Jr.

Batay sa unofficial record ng barangay operation center sa qc hall at sa talaan ng mga nanalong kandidato sa Brgy. Masambong, lumabas na number 6 kagawad si Nitafan Jr. na nakakuha ng 1,236 na boto mula sa 5,981 voters.

Una nang iginiit ni DILG undersecretary Martin Diño noong araw ng Sabado na manalo mang opisyal ng barangay ang mga isinasangkot sa ilegal na droga ay hindi nila titigilan ang mga ito at ihaharap sa kamay ng batas.

Facebook Comments