Manila, Philippines – Nanindigan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa kahalagaan ng kampaniyang tanggal usok tanggal bulok ng Dept. of Transportation.
Ito’y sa kabila ng pagtutol ng ilang grupo ng transportasyon.
Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, tuloy lang ang kampaniya na matagal na sanang ipinatupad.
Hindi rin aniya pwedeng pagbigyan ang hirit na gawin sa mga terminal ang paghagilap sa mga lumalabag dahil may mga pampasaherong jeep na walang terminal.
Giit pa ni Lizada, hindi siya natitinag sa banta ng grupong piston na malawakang protesta.
Gayunman, nananatili bukas ang LTFRB sa pakikipagdayalogo sa mga ito.
Facebook Comments