HINDI NATITINAG | Secretary Bong Go, hindi natatakot sa mga malalaking pangalan na makakalaban sa pagka-Senador

Manila, Philippines – Hindi natitinag si Special Assistant to the President Secretary Bong Go na makipagsabayan sa mga batikang pulitiko na makakasabay niya sa pagtakbo sa pagkasenador sa 2019 midterm elections.

Sa interview kay Go bago ito magsumite ng kanyang Certificate of Candidacy sa Commission on Elections ay sinabi nito na mas magandang hayaan nalang ang mga Pilipino na magdesisyon kung sino ang pipiliing umupo sa Senado.

Nagdadasal aniya siya na sanay makapasok siya sa isa sa 12 bakanteng puwesto sa Senado upang mas makapagsilbi pa siya sa mamamayan at ituloy ang mga pagbabago na inumpisahan ng Administrasyon sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Sinabi din nito na hindi na niya binibilang ang Survey na lumalabas dahil mayroon naman aniyang mga pangalan sa survey na hindi naman tatakbo at mayroon naman na wala sa survey na tatakbo kaya sinabi nito na hantayin nalang ang huling araw ng filing ng Certificate of Candidacy upang malaman kung sino ang mga makakatunggali niya sa halalan.

Magiging iba din aniya ang halalang ito para sa kanya dahil malayo ang pagiging sortie manager at assistant campaign manager noong 2016 elections sa pagiging principal o nasa gitna sa darating na halalan.

Facebook Comments