Ayon kay Free Legal Assistance Group Lawyer Theodre Te, kailangan munang maresolba ang nakabinbing motion to quash ng kampo ni Ressa bago umusad ang kaso.
Sinabi ni Te na mayroong 10 araw ang prosekusyon para magkomento sa mosyon, habang mayroon namang silang 5 araw para mag-reply.
Pagkatapos nito, mayroong 5 araw ang prosekusyon para maghain ng rejoinder bago tuluyang madesisyunan ang kaso.
Nabatid na nakasaad sa motion to quash si Ressa ang pagpapabasura nito sa kanyang cyber libel case dahil sa kawalan ng basehan.
Iginiit ng kampo ni Ressa na April 2014 nang maisapinal ang Cybercrime law kung kaya’t hindi pasok sa cyber libel ang pag-update ng article ng Rappler noong February 2014 laban sa negosyanteng si Wilfredo Keng..
Itinakda naman ng korte sa April 12 ang arraignment.
Matatandaan na 2012 pa naisulat ng Rappler ang article na nagsasabing pag-aari ni Keng ang SUV na ginamit noon ni yumaong Chief Justice Renato Corona pero ito ay na-update noong 2014 dahil sa typographical error.