HINDI NATULOY | Botohan ng JBC ngayong araw para sa shortlist ng mga aplikante sa CJ Post, naudlot

Manila, Philippines – Hindi natuloy ngayong araw ang botohan ng Judicial and Bar Council (JBC) para sa shortlist ng mga aplikante sa Chief Justice post.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, JBC ex-officio vice chairman, napagkasunduan ng konseho na gawin na lamang sa Biyernes ang nasabing botohan.

Layon aniya nito na mabigyan pa ng pagkakataon ang mga miyembro ng JBC na masuri ng husto ang mga dokumento ng mga aplikante.


Ang naturang shortlist ay pagpipilian ng Pangulong Duterte ng kanyang hihirangin na susunod na punong mahistrado.

Noong Huwebes,sumalang sa public interview ng JBC ang limang aplikante sa chief justice post na kinabibilangan nina SC Associate Justices Teresita Leonardo-de Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Andres Reyes Jr., at Judge Virginia Tejano-Ang ng Regional Trial Court Branch 1 ng Tagum City, Davao del Norte.

Facebook Comments