Manila, Philippines – Hindi natuloy ang pagbasa ng sakdal sa sampung miyembro ng Aegis Juris Fraternity na kinasuhan ng paglabag sa Anti-Hazing Law dahil sa pagkamatay ni Horacio “Atio” Castillo III.
Bunga nito, itinakda ng Manila RTC Branch 20 ang arraignment sa July 24, 2019.
Ito ay matapos pormal na ilahad ng mga abugado ng mga akusado na dalawa sa kanila ay naghain ng petition for review sa DOJ.
Sa pamamagitan ng petition for review ay hinihiling ng mga akusado na mabaligtad ang finding of probable cause laban sa kanila ng National Prosecution Service.
Kasama sa mga dapat sana ay babasahan ny sakdal sina Mhin Wei Chan, Jose Miguel Salamat, John Robin Ramos, Marcelino Bagtang Jr, Arvin Balag, Ralph Trangia, Axel Munro Hipe, Oliver Onofre, Joshua Macabali at Hans Matthew Rodrigo