HINDI PA ALAM ANG DAHILAN | 17-anyos na lalaki, patay matapos pagbabarilin

Tuguegarao City – Inaalam na ngayon ng mga otoridad ang motibo sa pagpatay sa isang 17-anyos na lalaki na pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek sa Tuguegarao City.

Nakilala ang biktima na si Niño Lazo, laborer at residente sa Barangay Balzain East.

Sa ulat, nasa kanyang trabaho ang biktima nang bigla na lamang siyang pinagbabaril nang malapitan ng dalawang lalaki habang ang dalawang iba pa ay nagsilbing look-out.


Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo na pawang mga nakasuot ng itim na jackets, face mask at sunglasses.

Sinubukan pang isugod sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.

Facebook Comments