HINDI PA ALAM | LTFRB, wala pang desisyon kung papayagan na magtaas ng pasahe sa airport tourist taxi

Manila, Philippines – Hindi pa nakapagpalabas ng desisyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board para kahilingan sa Dagdag pasahe ng airport yellow metered taxi at tourist taxi coupon service na nagbibigay-serbisyo sa airport sa bansa.

Sa ginanap na pagdinig ng regulatory agency sa inihaing fare hike petition ng malaking asosasyon ng taxi service, hiningan ang mga petitioner ng mga kaukulang dokumento na naging batayan nila sa fare hike petition.

Nakasaad sa petisyon, na 35 percent increase ang hinihinging dagdag-pasahe ng dalawang airport taxi service.


Sa ngayon ay 150-pesos ang minimum na pasahe para sa coupon taxi service habang 70-pesos na minimum naman ang kasalukuyang pasahe sa yellow metered taxi.

Giit ng petitioner, apektado na ang kanilang hanay dahil sa mataas na presyo ng produktong petrolyo at basic commodities sa bansa.

Sa August 1 muling itinakda ng LTFRB ang susunod na pagdinig para dito.

Una nang nagpatupad ng pisong dagdag-pasahe sa jeepney sa NCR, Central Luzon at Region 4.

Facebook Comments