Manila, Philippines – Aminado ang Palasyo ng Malacañang na hanggang sa ngayon ay hindi pa nabeberipika ng Pamahalaan ang napabalitang paglalagay ng Missile ng China sa ilang isla sa disputed area sa West Philippine Sea.
Matatandaan na lumabas sa mga balita noong nakaraang linggo ay naglagay ang China ng mga surface to Air missile, at anti-cruise missile sa tatlo nitong post sa disputed areas.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sa ngayon ay walang kakayahan ang Pamahalaan na beripikahin ang nasabing balita dahil ayon mismo kay National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon ay mayroong ispesipikong teknolohiya ang kinakailangan ng gobyerno para gawin ang beripikasyon.
Sinabi ni Roque na bibilhin palamang ng Pamahalana ang kinakailangang equipment para mapalakas pa ang kakayahan ng Pilipinas sa pagbabantay ng seguridad at soberenya ng bansa.
Lumalabas din na walang interes ang Malacañang na humingi ng tulong sa Estados Unidos ng Amerika para beripikahin ang nasabing balita.
HINDI PA ALAM | Paglalagay umano ng China ng missiles sa disputed areas hindi pa maberipika ng Malacañang
Facebook Comments