HINDI PA ALAM | PNP, blangko pa rin sa motibo sa pagpatay kay Tanauan Mayor Antonio Halili

Batangas – Blangko pa rin ang PNP CALABARZON sa motibo ng pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili.

Ayon kay PNP CALABARZON Regional Director Chief Supt Edward Carranza nirereview pa lamang nila ang kuha ng CCTV camera ng mangyari ang pamamaril kahapon.

Hinihintay pa rin aniya nila ang resulta mula sa mga experto kung anong uri ng baril ang ginamit ng sniper na dahilan nang pagkamatay ng Alkalde.


Kahapon una nang sinabi ni PNP chief Police Director General Oscar Albayalde na isa sa mga posibleng motibo nang pagpatay sa alkalde ay may kinalaman sa Walk of Shame campaign ni Halili sa mga nahuhuling gumagawa ng krimen sa kanilang lungsod.

Si Mayor Halili ay nasawi kahapon matapos barilin habang nasa flag raising ceremony sa new city hall ng Tanauan City.

Facebook Comments