HINDI PA ALAM | PNP, blangko pa rin sa suspek sa pagpatay kay General Tinio Mayor Ferdinand Bote

Wala pa ring natutukoy na suspek ang PNP Region 3 sa pagpatay kay General Tinio Mayor Ferdinand Bote.

Ayon kay PNP Region 3 Regional Director Police Chief Supt Amador Corpuz patuloy na iniimbestigahan ng binuong Special Investigation Task Group Bote ang mga posibleng dahilan para ito patayin.

Batay rin aniya sa inisyal na report nila walang natatangap na death threat ang Alkalde sa katunayan ay hindi na pinapasama pa ni Mayor Bote ang kanyang dalawang police security detail sa kanyang mga lakad.


Sa ngayon aniya away sa pulitika, pagka-quarry sa lugar at business contract ang nakikitang motibo ng SITG sa pagpatay sa alkalde.

Sa imbestigasyon pa hindi nasangkot sa transaksyon ng iligal na droga si Mayor Bote.

Tiniyak naman ni Corpuz na sa lalong madaling panahon ay maaaresto ang mga suspek sa pagpatay

batay aniya sa CCTV footages 3 suspek ang bumaril sa Alkalade na ngayon ay sentro ng kanilang imbestigasyon.

Facebook Comments