Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacanang na wala pang desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa hirit ng pamunuan ng Social Security System o SSS na taasan ang premium ng SSS.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hanggang hindi pa inaaprubahan ng Pangulo at hindi dapat taasan ang inihuhulog na premium ng mga miyembro nito.
Sinabi ni Roque na ngayon ay wala pa ring napipili ang Pangulo na kapalit ng mga dating opisyal ng SSS na hindi na ni-renew ni Pangulong Duterte partikular ang Chairman nito na si Amado Valdez.
Sa kasalukyan ay nasa 11% ng buwanang sweldo ang kontribusyon ng mga SSS Members at 7.3% dito ay sagot ng employer at ang 3.6% naman ang kukunin sa mga empleyado.
Facebook Comments