LINGAYEN, PANGASINAN – Mahigit isang libong indibidwal pa sa lalawigan ng Pangasinan ang hinahanap ng Provincial Health office na maituturing na hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.
Sinabi ni Provincial Health Office Chief Dra. Anna De Guzman, na ang paghahanap sa mga ito ang dahilan kung kaya ang mga vaccination team ay nagtutungo na sa malalayong lugar at sinusuyod na ang mga kabahayan ng mga residente mula sa iba’t ibang lugar sa bayan.
Hinahanap dito ang mga senior citizen o person with disabilities na wala pang bakuna upang kanilang mabakunahan.
Gumagawa na din sila ng paraan tulad ng Barangay Vaccination upang mas mailapit ito sa mga walang kakayahan na makapunta sa vaccination center.
Hamon pa umano sa ahensiya ang dalawang daang libong (200,000) indibidwal na hindi pa nagpapabooster shot dahil sa iniisip ng mga ito na sila ay ligtas na dahil sa patuloy ang pagbaba ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa Pangasinan.
Samantala, dahil sa laki naman ng coverage ng nababakunahan kontra COVID-19 kaya’t nakitaan na ng downward trend ng cases sa lalawigan. | ifmnews
Facebook Comments